Discipline: Childrens Literature
Tinutunghayan ng sanaysay ang panitikang pambata bilang produkto ng gitnang uring branding, konsumerismo at kapitalismo. Ang produksyon ng “wholesome” na kalidad at porma ng panitikang pambata – librong ibinebenta, kalakip ang masining na ilustrasyon, salin sa Ingles o Filipino, at pagkakaroon ng leksyong matututuhan at “how to teach” na segment sa huling bahagi ng libro – ay simptomatiko sa konsumeristang panghihimok tungo sa gawi at pagmamarka ng gitnang uring panuntunan ng buhay. Kung gayon, ang pinag-aagawang “pagkabata” sa panitikang pambata ay hindi hiwalay sa panlipunang kondisyon at turing sa mga bata – bilang receptacle ng kawalang-kapangyarihan at ahensya. Sa isang banda, ang pagkabata ay isang winalay na yugto ng pagkamamamayang nakapaimbalot sa marahas na kondisyon ng paghihikahos at pandarambong. Sa kabilang banda, ang niche market ng panitikang pambata – ang gitnang uri at mga institusyong nagpapalaganap nito – ay sablay sa aktwal na materyal na kondisyon ng pagkabata at pagkamamamayan.
_____
The essay argues that children’s literature is a product of middle class branding, consumerism and capitalism. The production of a wholesome quality and form of children’s literature—books sold with graphic illustration, translation in English or Filipino, thearticulation of the moral of the story and the presence of “how to teach” portion—is symptomatic of middle class consumerist lifestyles and worldviews. The contentious childhood” in children’s literature amplifies the social conditions and framing of children as receptacle and agent of powerlessness. On the one hand, “childhood” is a displaced stage of citizenship marred by conditions of poverty and misappropriation. On the other hand, the niche market of children’s literature—the middle class and institutions that reproduce it—is removed from its actual material conditions of childhood and citizenship.