HomeMALAYvol. 21 no. 1 (2008)

Mga Batang Sagigilid: Ang Danas at Dalumat ng Espasyo ng mga Batang Manggagawa

Will Ortiz

Discipline: Childrens Literature, Child Labor

 

Abstract:

Tinuturol ng pag-aaral ang usapin ng panitikang pambata, batang manggagawa at ang dahas ng kanilang espasyong kinalalagyan sa lipunang Pilipino. Ipinakita ng akdang “Jamin: Ang Batang Manggagawa” at ng iba pang pag-aaral tungkol sa kanilang kalagayan ang tinig ng bata bilang manggagawa na nagpapakilala ng tunay na kalagayan ng bata at ang kawalan ng kanilang mga karapatan. Tinalakay sa papel ang butas ng mga batas na umiiral tungkol sa batang manggagawa at ang tahasang pagkabura ng mga ito sa depinisyon ng batas. Sa huli, tinalakay ang inspirasyon at tinig ng mga bata upang bigyang-pansin ang nagagawang sistematikong pagsasalaylayan ng batang manggagawa sa lipunan.

_____

The study tackles the issues on children’s literature, child laborers, and the violence recurring in their social spaces. The life-story of “Jamin, the child laborer” and other related studies on the social condition of children as workers illustrate their state of powerlessness and the marginalization of their basic human rights. The paper discusses the outright weaknesses of legal provisions in Philippine laws dealing with children’s rights. In the end, the paper brings out children’s voices and the inspiration to point out the systematic marginalization of their rights as child laborers in our society.