Discipline: Childrens Literature, Philippine Folklore, Ideology
Gamit ang kritikal na perspektib ni Jack Zipes sa silbi ng modernong fairytale, sinusuri sa pagbasang ito ng muling pagsasalaysay sa kuwentong bayang “Carancal,” ang posisyong ideolohikal nito sa usapin ng kapangyarihan sa lipunan. Sa papel na ito, pinaghahambing ang dalawang teksto at inilalantad ang hayag at kubling ideyang ideolohikal ng teksto ni Villanueva at tinutukoy ang tensyon sa pag-iral ng mga ito. Inilalantad ang operasyon ng ideolohiya sa mga teksto ng panitikang pambata sang-ayon kay Stephens, at kinikilala ang pagtatangka sa muling pagsasalaysay na pukawin ang realidad ng pyudal na kaayusang panlipunan. Sa kabilang banda, pinupuna rin ang kahinaan nito sa pag-iimahinasyon ng tahanan at ng utopia na siyang pinanggagalingan ng lakas-emansipatoryo ng feritely sang-ayon sa pagdalumat ni Zipes.
_____
This reading of Villanueva’s retelling of the folktale “Carancal,” interrogates its ideological position on power, following Jack Zipes critical perspective on the function of literary fairytale. Looking at these texts and the operation of ideology in children’s literature using Stephens’ formulation, this reading of Villanueva’s revision reveals the tension between its explicit and implicit ideological ideas on family and child-parent relations in the context of power. As retold, the text succeeds to a limited extent in an uncanny way it connects to social reality through its use of details and images. However, it fails in its imagination of the home and utopia to be able to say it exemplifies the emancipatory power that modern literary fairytale have, according to Zipes.