HomeMALAYvol. 21 no. 2 (2009)

Ang Proyektong Chico River Hydroelectric Dam: Hamon ng Kaunlaran at Reaksyong Bayan 1965-1986

Ma. Florina Yamsuan Orillos-juan

Discipline: Economic Development, Environmental Conservation

 

Abstract:

Tatalakayin ng papel ang tungkol sa panukalang proyekto ng administrasyong Marcos noong dekada ’70—ang Chico River Hydroelectric Dam—na makakaapekto buong Chico River Valley kasama na ang mga pamayanang dinadaluyan ng Ilog Chico. Sa panahon ng pagsusulong ng naturang proyekto, maigting itong tinutulan ng mga grupong etniko at aktibo nilang ipinarating ang kanilang mga sentimyento sa pambansang pamahalaan. Sa gitna ng pakikibaka ng mga katutubo laban sa proyekto, nagkaisa silang ipagtanggol ang kanilang karapatan sa lupang ninuno at ang pagkilos nila ay nakonsolida sa ilalim ng pamumuno ni Macli-ing Dulag. Hindi natuloy ang proyektong dam nang pinaslang si Mac-liing dahil diumano sa kanyang matinding oposisyon sa proyekto.

 

_____

 

The paper discusses the proposed project of the Marcos administration in the ‘70s—the Chico River Hydroelectric Dam Project—which could affect Chico River Valley and its surrounding communities. This project was strongly opposed by the ethnic groups who lived in the area and they communicated their sentiments to the government. The ethnic groups decided to defend their rights over their ancestral lands and consolidated their efforts under the leadership of Macli-ing Dulag. The dam project did not push through after the tribal leader was slain, purportedly because of his staunch opposition to it.