Discipline: Languages, Linguistics
Sino mang nagsalin o nakapagsalin na ng kahit anong klaseng materyal ay aaming hindi madali ang magsalin lalo na kung ang isinasalin ay isang akdang literari. Mahirap magtranslate sapagkat mahirap manulay sa pagitan ng mga kultura gamit ang magkaibang wika. Partikular ang karanasang ito para sa bawat tagasalin sapagkat bawat tagasalin ay may kani-kaniyang preperensyang naiimpluwensyahan ng kanyang kondisyon bilang isang indibidwal na hinulma ng kanyang kinagisnang wika. Dahil dito, hindi maiiwasan na makialam sa tuwina ang nakagawian sa nararapat na gawin. Gayonpaman, mahalagang manalig ang tagasalin na ang sining ng isang tunay na akdang pampanitikan ay lagi at laging lilitaw kahit sa anumang wika ito isalin. Higit sa lahat, maaari pa ring mapahalagahan ang konteksto ng isinalin maging ang tono o himig nito, hindi man baguhin ang mga salitang banyaga o kultural. Makapamamaybay ang tagasalin sa pamamagitan ng mga wika, kultura at konteksto sapagkat lagi at lalaging mananatili ang mga temang unibersal sa sangkatauhan.
_____
How would the tone of a grief stricken story be translated when it does not even directly express sorrow but only that of a deep sadness? This in brief is the difficulty encountered in an attempt to translate Claude McKaye’s Crazy Mary from English to Filipino. In this translation, the concept that would be used is the communicative translation used by Hatim and Mason (1990 in Almario et. al. 1996) as anchor. Based on this concept, the three primary considerations observed in the required context of the translation are (1) the words or communicative expressions, (2) the images of grief, and (3) the tone or theme of the narrative. It is also the objective of the translator to maintain the tone or intent of the author together with the control and delicated language of the author in the translated version.