HomeMALAYvol. 25 no. 1 (2012)

Muling Pagsasalaysay ni Jose Rizal ng “Ang Buhay ni Matsing at Pagong”: Ang Talas ng Mahina Laban sa Tuso ng Malakas = The Retelling of Jose Rizal’s “Ang Buhay ni Matsing at Pagong”: The Sharpness of the Weak Against the Wit

Rosario Torres Yu

Discipline: Literature

 

Abstract:

Sinusuri sa papel na ito ang kahulugan at kabuluhan sa kontemporaneong panahon ng muling pagsasalaysay ni Jose P. Rizal ng kuwentong bayang “Ang Buhay ni Matsing at Pagong” at ng iba pang muling pagsasalaysay sa kasalukuyan. Gamit na dalumat sa pagsusuring ito ang pagsipat na nakapaloob sa teoretikal na posisyon nina Stephens at McCallum ukol sa retelling na nag-uugnay dito sa mga metanaratibong nagpapahayag ng mga panlipunang halagahan at atityud sa panahon ng muling pagsasalaysay. Sa diwa nito ay inaarok dito ang “aral” ng teksto ni Rizal sa pamamagitan ng pagsusuri sa karakterisasyon kina Matsing at Pagong at iba pang salik ng panunuri sa panitikang pambata at iniuugnay ang pagbasang ito sa ideolohikong posisyon nito. Sa huli ay inihaharap ang posisyon ng papel na ito na kumpara sa ibang muling pagsasalaysay ay higit na mainam ang mensahe ng teksto ni Rizal na mas magaling ang talas ng mahina kaysa sa tuso ng malakas dahil may mainam na batayang etikal sa paghuhubog ng pagkatao ng mga batang mambabasa lalo na sa kasalukuyang panahon. Napagtitibay rin nito ang sinaunang paniniwala na sa walang tigil na tunggalian ng mabuti at ng masama, nakaliligtas ang matalas sa mapanlamang, malisyoso, at mapaghiganti.

This paper looks at the meaning and relevance of Jose P. Rizal’s retelling of a popular Tagalog folk story “Ang Buhay in Matsing at Pagong” to child readers in contemporary times. Using Stephens and McCallum’s theoretical position on the relation of metanarratives in framing retellings, this reading of several retold versions of this popular tale reveals the implications of their ideological positions on the education of children. The result is a critique of contemporary retellings that revise the ideological message found in Rizal’s text. This paper asserts that the message found in Rizal’s text which propounds that artfulness is more ethically sound than greediness and wickedness rests on a higher ethical ground than other retellings. Rizal’s text also affirms the metaethical assumption that in the endless struggle between good and evil, the artful overcomes the greedy, maliscious, and revengeful.