Discipline: Linguistics, Phronesis
Isang uri ng pilosopiyang konstruktibo ang tesis ng papel na ito na ambag sa kilusang Pilosopiyang Filipino. Kakatasin ang pilosopiya ng buhay—phronesis at handurawang moral—mula sa tatlong kontemporaryong maikling kuwento sa Sebwano na ang lunan ay ang dagat at ang dalampasigan. Ang dagat ay isang imahen, metapora, o representasyon ng buhay. Ang buhay ay mapagbigay, tigib ng kagandahan at kasiyahan. Subalit ang buhay ay hindi laging ganito. Nagiging malupit at mapanganib din ang buhay. Kaya kailangan ng tao ang magpakatao—tanggapin ang kahinaan at kakulangan, at magkaroon ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa tao. Kaalinsabay nito ay ang paggalang at pagpapahalaga sa kapaligiran at kalikasan. Sa ganitong paraan ay malamang na magiging makabuluhan ang buhay ng tao rito sa daigdig.