HomeMALAYvol. 27 no. 1 (2014)

Sino’ng Dakila, Sino’ng Tunay na Baliw? Ang Etsa-Puwera sa mga Akda ni Jun Cruz Reyes / The Noble and the Mad: The Marginalized in the Work of Jun Cruz Reyes

Mar Anthony Simon Dela Cruz

Discipline: Literature

 

Abstract:

Kapuna-puna sa mga akda ni Jun Cruz Reyes ang mga tauhang binabansagang “baliw,” “sira-ulo,” “retarded,” “abno,” “may toyo,” “may sayad,” at “may tililing.” Susuriin sa papel ang ilang tauhan sa Tutubi, Tutubi, ‘Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe (1987), Etsa-Puwera (2000), Ang Huling Dalagang Bukid at ang Authobiography na Mali: Isang Imbestigasyon (2011), at sa ilang kuwento sa Utos ng Hari at Iba Pang Kuwento (1981) at Ilang Taon na ang Problema Mo? (1995). Ipaliliwanag dito ang konstruksiyon ng kabaliwan, partikular ang gamit nito para sa mga nagtutunggaling puwersa. Sa isang banda, lumilikha ng baliw ang mga nasa itaas para isantabi ang halaga ng buhay ng tao at palaguin ang kaisipang nagpapababa sa mga marhinalisado. Ngunit ang pagkontrol na ito ay lumikha ng ibayong kapangyarihan sa mga isinasantabi. Ibinabalik ng marhinalisadong uri ang bansag sa mga nagbabansag at inaangkin ang kabaliwan para hamunin ang sistemang naniniil sa kanila.

 

 

One can observe the characters labelled as “mad, “insane,” “retardate,” “abnormal,” “crazy,” “lunatic,” and “mental” in Jun Cruz Reyes’ work. This paper will examine some of the characters in Tutubi, Tutubi, ‘Wag Kang Magpahuli sa Mamang Salbahe (1987), Etsa-Puwera (2000), Ang Huling Dalagang Bukid at ang Authobiography na Mali: Isang Imbestigasyon (2011) and in some stories in Utos ng Hari at Iba Pang Kuwento (1981) and Ilang Taon na ang Problema Mo? (1995). It will explain the construction of madness, especially its use by opposing forces. On the one hand, those in power construct the mad to undermine the value of the lives of the people and to further ideas that prevent the development of the marginalized. But this exercise of control yields a kind of power that strengthens the disregarded. Here the labeller becomes the labelled, and the marginalized appropriate their madness to challenge the oppressive system.