Discipline: Business and Economics
Nagsimula bilang pansamantalang pang-ampat sa krisis ng disempleyo (unemployment) noong dekada 70 sa ilalim ng diktadurang Marcos ang Labor Export Policy (LEP), at mula noo’y naging permanente na itong patakaran ng mga sumunod na administrasyon sa Pilipinas. Ilalahad at susuriin ng artikulong ito ang pinagmulan, debelopment, at mga kasalukuyang problemang dulot o kaugnay ng LEP sa Pilipinas, sa lente ng Teoryang Dependensiya. Saklaw ng kritikal na pagsusuring ito ang lahat ng administrasyon mula sa diktadurang Marcos hanggang sa ikalawang administrasyong Aquino na pawang nagpatupad sa LEP bilang kasangkapan sa paglikha ng trabaho. Sa pangkalahatan, ang artikulong ito’y ambag din sa patuloy na intelektuwalisasyon ng wikang Filipino sa larangan ng ekonomiks.
The Philippine Labor Export Policy (LEP) was an initially temporary policy implemented in the 1970s to help resolve the unemployment crisis under the Marcos dictatorship, and from then on became a permanent fixture in successive regimes’ policies. This article presents and analyzes the origins, development, and current problems brought by or related to the Philippine LEP, using the lens of Dependency Theory. This critical review encompasses all regimes from the Marcos dictatorship to the second Aquino administration which all implemented the LEP as a job generation scheme. In general, this article also contributes to the continuing intellectualization of the Filipino language in the field of economics.