HomeMALAYvol. 28 no. 1 (2015)

Kinaray-a Online, Isang Love Story: Inang Wika bilang Instagram ng Alaala at Huling Museo / Kinaray-a Online, A Love Story: Mother Tongue as an Instragram of Curated Memories

Genevieve L. Asenjo

Discipline: Literature

 

Abstract:

 Ito ay isang panimulang pagtataya sa kakayahan at limitasyon ng Inang Wika, partikular ng Kinaray-a, ayon sa karanasan ng Balay Sugidanun bilang isang online na plataporma ng pagsasapraktika ng pagpreserba at pagpapalago sa Inang Wika sa pamamagitan ng blogging, tungo sa pagbabahagi sa social media, sa posibilidad ng pagbubuo ng mga bagong komunidad at alyansa, sa panahon ng Digital Humanities, Big Data, at Mother Tongue-based Multilingual Education (MTBLE) sa K-12 na programa ng gobyerno.

Nakapokus ang pagbasa sa mga post sa loob ng isang taon ng tatlong aktibong bisitang blogger na nasa diaspora. Mula sa palagay na ang pagsusulat sa Inang Wika ay isang lirikong agos at maramdamin (affective) na gawain, nakita ang mga sumusunod: 1) ang Inang Wika ay domestikong imahen at metapora ng “lupa at dagat sa pinggan” na naging “laro sa dila,” 2) ang Inang Wika ay espasyo at panahon ng “nami” (maganda) at “namit” (masarap), at 3) ang Inang Wika ay sepia na kulay ng pag-alaala at pag-alala. Nagsisilbing Instagram ng mga napiling memorya at sentimyento ang bawat blogpost at ang Balay Sugidanun bilang museo ng mga naitanghal na alaala sa Kinaray-a.