HomeFar Eastern University Faculty Research Journalvol. 1 no. 1 (2011)

Assesment ng Programa sa Pagtuturo ng Filipino para sa mga Dayuhang Mag-aaral ng FEU

Ma. Ruth Elizabeth V. Gonzales

Discipline: Education

 

Abstract:

Ang konsepto ni Cohen (1994) ang ginamit bilang pangkalahatang batayang konseptwal ng pag-aaral na ito. Pangunahing layunin ng assesment ng programa na matugon ang mga kasalukuyang pangangailangan ng mga dayuhang mag-aaral. Mahalaga ang riserts na ito upang magsilbing basehan sa idedevelop na programa sa wika. Ang riserts ay gumamit ng paraang triangulation na binubuo ng mahigit sa isa at iba’t ibang estratehiya sa riserts para sa assesment ng programa. Batay sa ginawang assesment sa kasalukuyang programa natuklasan na may mga bahagi ng programa ang may kahinaan at kalakasan na nangangailangan ng pagbabago upang umangkop at maging sapat na sapat sa mga kasalukuyang pangangailangan ng mga dayuhang mag-aaral ng FEU.