Discipline: Literature, Filipino
Ano ang nag-atas halimbawa, upang unawainko si Rizal? Ibig kong unawain si Rizal sa pamamagitan ng mga umunawa sa kanya: na mga tao rin, na mga makata rin, kadiwa niya, kawika niya. Uunawain si Rizal sa pamamagitan ng mga salita na pili-sa anyo, sa kahulugan. Uunawain si Rizal sa pamamagitan ng salita nitong maaaring salita, at hindi, ng umuunawa. Uunawain ko, gaya nga rin ng pagkaunawa ng ibang tao, na makata, sa pamamagitan ng pagtalastas sa salita niya sa isang tanging panahon, sa isang tanging kultura, na hinubog ng mga salita.