HomeIDEYA: Journal of Humanitiesvol. 1 no. 1 (1999)

Kapag Babae Pa Rin ang Nag-isip Tungkol sa Pagsasalin

Maria Stella Sibal Valdez

Discipline: Filipino

 

Abstract:

Naging isang mahalagang pagkatataon para sa akin ang taong ito upang maisaayos sa aking isip ang maraming bagay tungkol sa aking "kabuhayan" bilang isang guro sa isang naiiba o kakaibang disiplina. Nasabi kong "naiiba" o "kakaiba" ang aking disiplinang kinabibilangan dahil na rin sa nagkaroon ako ng pagkakataong maisalugar ang katayuan ng pagsasalin bilang isang disiplina kasama ng iba pang disiplinang kabilang sa ating Kolehiyo ng Malalayang Sining. Nabanggit ko ring nakatali ang aking "kabuhayan" sa aking napiling disiplina dahil ako ay isang guro at kung gayon ay tuwirang nakasalalay ang aking ikabubuhay sa buhay ng disiplinang aking napili. Kinakatawan ng salitang pagbabalangkas ang aking mga nabuong saloobin tungkol sa aking disiplina, at kasama na rito ang mga nahagilap kong dulog o mga balangkas ng aking ikikilos sa mga susunod pang taon (hanggang sa magretiro siguro ako, o iretiro ng aking pamantasan!). Siguro, mas laan para sa aking pansariling paglilinaw ang panayam na ito kaysa sa inyong makikinig, pero dahil may kaugnayan ito kahit papaano sa pagsasalin na saklaw tayong lahat, minabuti ko na ring ibahagi sa inyo ang aking nagging paglalakbay.