Sa pambungad na ito, babalikan natin ang mga pananda ng pagkalat at paglilipat-pulo ng mga Austronesyano sa Timog Silangang Asya at Pasipiko. Ibubuod din natin ang lohika ng pagtatatag ng panahanang Austronesyano batay sa mga naunang pag-aaral na etnograpiko, arkeolohikal, at pangwika. At sa huling bahagi, sisipatin natin ang mga kontribusyon sa natatanging isyung ito ng SALIKSIK E-Journal bilang pagpapatuloy sa pagtataguyod ng pag-aaral sa sinaunang kabihasnang Austronesyano at Pilipino.