HomeSaliksik E-Journaltomo 4 bilang 1 (2015)

Ang Kaisahan at Ugnayan ng Lumang Pamayanan ng Pilipinas at ng Rapa Nui at Polynesyang Pranses

Lorenz Lasco

 

Abstrak:

Ang ating bansang Pilipinas at ang Rapa Nui (RN) o Easter Island at Polynesyang Pranses (PP) o French Polynesia ay may iisang Austronesyanong pinagmulan.  Makikita ang pagkakaisang ito sa larangan ng linggwistika, henetika, etnograpiya, at arkeolohiya.  Noong 2014, naglakbay ang may-akda sa RN at PP upang pag-aralan ang ugnayang ito.  Sa papel na ito, unang tatalakayin ang mga ebidensyang linggwistikal.  Pagkatapos, dadako sa kaparehong interesanteng patunay sa larangan ng henetika.  Tatapusin ang artikulo sa pagtalakay ng pagkakaisa sa mga dating relihiyon.  Ang una sa pagkakaisa sa mga relihiyong ito ang pagtatangi sa mga yumaong ninuno.  Ang pangalawa nama’y ang pagtatangi sa mga anito na pinaniniwalaang nananahan sa tatlong antas ng Austronesyanong kosmos.  Hinubog ng mga paniniwalang ito ang lahat ng aspeto ng pamumuhay nila.  Matingkad ang pagkakaisa ng mga pamayanan ng mga Austronesyano.  May iisang diwa ang nananalaytay sa ating bansa at sa mga nasabing pinakamalayong lupaing inabot ng ating iisang ninuno.