HomeSaliksik E-Journaltomo 4 bilang 2 (2015)

Pagpopook ng Araling Timog Silangang Asya at Araling ASEAN sa Araling Kabanwahan

Adonis L. Elumbre

 

Abstrak:

Isasakonsepto at isasakonteksto sa pambungad na artikulo kapwa ang Araling Timog Silangang Asya at Araling ASEAN bilang mga larangan ng kaalaman at karunungan.  Sa harap ng kabilaang hamon, kapookan sa una at kasaklawan sa huli, itatampok ang Araling Kabanwahan bilang alternatibong kaisipan sa pag-aaral ng at pakikipag-ugnay sa kaugnay at ibang kabihasnan ng Kapilipinuhan.  Alinsunod dito, ang batayan, kapakinabangan, at talastasan ng ugnayang panlabas ay nararapat na Pilipino.  Sa pagsapit ng integrasyong rehiyonal sa bisa ng ASEAN Community higit na kinakailangan ang mapalawak at mapalalim ang pakikilahok sa labas ng bayan, ngunit sa sentido ng pagpapaloob ng mga usaping internasyonal sa sariling diskursong pangkabihasnan—ibig sabihin, sa diwa ng Araling Kabanwahan.