Leni Dlr Garcia-castro | Homer Yabut
Masusi nang inaaral ngayon sa iba’t ibang kalinanga’t kultura ang ispiritwalidad at relihiyon dahil sa mahalagang gampanin nito sa sikolohikal na aspekto ng mga tao. Ninanais ng papel na itong magbigay ng panimulang pag-aaral sa ispiritwalidad at relihiyon ng mga Thai. Gumamit ng mga panayam sa mga key informant ang mga mananaliksik upang malaman at mapalalim ang pagpapakahulugan ng mga Thai tungkol sa ispiritwalidad at relihiyon. Pinapakita ng mga resulta ang mahalagang pagkakaugnay ng Buddhismo sa pananampalataya ng mga Thai. Bagama’t may pagkakaiba sa mga pagpapahayag nila ng kanilang ispiritwalidad at relihiyon na napasukan na rin ng animismo at sinkretismo, ang sentro pa rin ay ang turo sa kanilang maging mabubuting tao.