HomeSaliksik E-Journaltomo 5 bilang 1 (2016)

Kasaysayang Pangkapaligiran at Araling Pangkapaligiran sa Wikang Filipino: Katayuan at Tunguhin

Ma. Florina Yamsuan Orillos-juan

 

Abstrak:

Layunin ng artikulong ito na talakayin ang kasalukuyang katayuan at tunguhin ng Kasaysayang Pangkapaligiran at Araling Pangkapaligiran na nakasulat sa wikang Filipino sa konteksto ng Bagong Kasaysayan.  Tampok dito ang pagpapakahulugan, metodolohiya, saklaw, at pananaw na ginagamit sa Kasaysayang Pangkapaligiran at Araling Pangkapaligiran.  Pinahalagahan din ang mga natatanging pananaliksik, publikasyon, kumperensya, at mga iskolar na nakaambag ng malaki sa pagpapaunlad ng dalawang subdisiplina.  Sa huli, naglahad ng mga kasunod na proyekto, pag-aaral, at pananaliksik na puwedeng isakatuparan sa nalalapit na hinaharap, lahat tungo sa pagpapalalim at pagpapalawak ng dalawang subdisiplina.