HomeSaliksik E-Journaltomo 5 bilang 1 (2016)

Ang Isla ng Calauit Bilang Kanlungan ng mga Buhay-Iláng at mga Hayop, 1976-2013

Jyferson A. Villapa

 

Abstrak:

Ang isla ng Calauit bilang isang reserbasyong panlaro ng mga hayop (game preserve) at santuwaryo ng mga buhay-iláng (wildlife sanctuary) ay itinuring bilang pinakamalaki at pinakaunang matagumpay na proyekto ng translokasyon sa Asya ng mga buhay-iláng mula sa kontinente ng Africa.  Ang saklaw na panahon ng pagtalakay ng pag-aaral na ito ay 1976 kung kailan nilagdaan ni Presidente Ferdinand E. Marcos ang Presidential Proclamation No. 1578 na nagtakda sa isla ng Calauit bilang isang game preserve at wildlife sanctuary hanggang 2013 kung kailan hinagupit ng bagyong Yolanda ang isla.  Susuriin sa pag-aaral na ito ang ilan sa mga ahensya ng gobyernong humawak at namahala rito bilang isang reserbasyong panlaro at santuwaryo, ang mga suliraning kinaharap, at kung paano naigpawan ang iba’t ibang hamon upang manatili ang isla bilang isang kanlungan ng mga buhay-iláng at hayop.