HomeMALAYvol. 28 no. 2 (2016)

Paghahanap at Pagtuklas sa Panitik ni Cirio Panganiban / Reconaissance and Discovery of Cirio Panganiban’s Writing

Epifanio San Juan Jr.

 

Abstract:

Mailalagom ang halaga ng sining ni Panganiban sa ilang kataga: istoryador ng panahong naglaho’t bumabalikwas. Masusukat ito sa pagdalumat niya sa pagbabago’t transpormasyon ng buhay-lipunan. Naging binata sa panahon ng paghupa ng armadong pakikibaka noong unang dekada ng nakaraang siglo, napabantog ang awtor nang muling mag-apoy ang nasyonalistikong diwa sa insureksiyon ng mga Kolorum at Sakdalista. Dumaan sa yugto ng Komonwelt, pagkatalo ni McArthur sa Bataan/ Corregidor, pagbabalik ng imperyalismo’t pagsugpo sa rebelyong Huk, si Panganiban ang naglarawan ng pag-inog ng bansa mula sa piyudal-agraryong antas ng lipunan hanggang sa neokolonyang huwad-modernisasyon ng Republika (1946-1955). Makahulugang pag-iiba’t pagbabago ng panahon ang tema’t himig ng mga tula niya, nagpapahiwatig sa pagpanaw ng organikong habi ng gawing tradisyonal at paghalili ng reipikasyon (paghahari ng salapi’t komoditing ipinagbibili). Itinanghal niya ang pagkagulat at pagtanggap sa pagkawala ng dating masiglang ayos ng pakikipagkapuwa—isang matimpi’t mapagsuring pagtutol sa kasalukuyan habang ipinagbubunyi ang masasagip na ligaya sa daluyong ng kasaysayan.

 

The enduring value of Panganiban’s art inheres in his sensitive registration of the changes and transformation in the nation’s collective psyche. Maturing in the years after the decline of armed resistance against US imperialism, Panganiban’s creativity was sparked by the nationalist resurgency accompanying the peasant revolts of the Colorum and Sakdalistas. His sensibility then deployed allegorical modes of expression when the political economy shifted from the feudal-agrarian base to the commercial mode of neocolonial modernization in the years after the Japanese occupation. In essence, he recorded the crisis and pathos of the vast socio-political changes with muted protest, a melancholy dramatization of a commodified neocolonized community redeemable only by celebrating the utopic moments swallowed by the vortex of history’s cataclysms.