HomeMALAYvol. 15 no. 1 (1998)

ANG LIRISISTANG TAGALOG

Antonio C. Hila

Discipline: Art, Philippine Literature

 

Abstract:

UNA SA LAHAT, malugod kong binabati ang mga nagsipagtaguyod ng komperensiyang ito. Tunay na napapanahon ang pagdaraos ng komperensiyang ito na nagbabalik-suri sa kasaysayan at tradisyon ng Panitikang Tagalog na mahalaga sa pagpapaunlad ng ating pambansang kultura. Ang paksang tatalakayin ko sa komperensiyang ito, "Ang Lirisistang Tagalog" ay nangangailangan ng paglilinaw. Itutuon ko ang aking pagtatalakay sa kalahatan ng mga tulang ginamit sa mga awiting isinulat ng ating mga batikang kompositor na tinatawag nating kategoryang "academic art," o kaya'y "art song" noong panahon ng mga Amerikano, mula sa pagsibol ng kasalukuyang daantaon hanggang sa bago magsimula ang pangalawang digmaang pandaigdig sa Asya. Titingnan ng papel na ito ang paksa ng mga tula, at ipaliliwanag ang mga ito ayon s# diwa, tradisyon o kamalayan ng nasabing panahon. Tutunghayan rin ang mga pagbabagong naganap sa larangan ng musika. Isasaad ko rin ang magkakaibang pamamaraan sa tula at musika. Isasaad ko rin ang magkakaibang pamamaraan ng pagsasanib ng musika at letra, sa paglikha ng awit.