HomeMALAYvol. 15 no. 1 (1998)

KAPAG ITINAKWIL, KAPAG BINIHAG: PAGPAPALAYA KINA ANDRES BONIFACIO AT JOSE RIZAL MULA SA KUKO NG IMPERYALISMO

Ma. Stella S. Valdez

Discipline: History, Philippine History, Philippine Studies

 

Abstract:

MAAARING MAGING KAKAIBA ang aking pagbibigay-pugay kay Andres Bonifacio sa okasyon ng sentenaryo ng kanyang kamatayan. Batay sa aking personal nakaranasansapagtunlonsa kaluturan ng ating kasaysayan, ang naging daan sa pag-unawa ko kay Andres Bonifacio at sa mga misteryong bumabalot sa kanyang pagiging tao at bayani ay ang nauna kong pagtunton sa kabuluhan ni Jose Rizal bilang isa ring bayani. Naging isang natatanging biyaya ito para sa akin — ang makabuo ng sintcsis sa kadalasa'y pinagtatagis na dalawang bayani — dahil hanggang ngayon ay nakakasaksi pa rin tayo ng mga pagtatangka na bawasan ang ningning ng dalawang bayaning ito sa pamamagitan ng pagsukat ng kanilang kabayanihan laban sa isa't isax Sana ay malinaw na maihayag ko sa inyo ang naging paraan ko ng pagtunton, at kung gayon ay makabuo tayo ng isang alternatibong pagdulog sa pagsusuri ng ating kasaysayan. Maaari kong sabihin na ang panayam ko ay hindi nakabatay sa mga naisulat na, kundi sa posibilidad na ang malaking bahagdan ng aking pinagbabatayang mga naisulat na ay may bahid ng panlilinlang at pagbubura.