Discipline: Philippine Literature
ANG PAGSULAT NG Bakal at Kawayan: Sa Darang ng Malagablab na Araw, isang salaysav na pangkasaysayan, ay pagdanas ng mga kalayaan. Pagdanas ng mga kalayaan. sapagkat ang maraming alaalang 55 taon nang nakakulong sa kubling bahagi ng diwa ay napalay sa pamamagitan ng panulat, at nagkaanyong likhang obra para pa rin sa iba pa, at hindi na magiging sarili na lamang na mga gunitain. Pagdanas pa rin ng kalayaan Sapagkat sa pagpili ng paraang gagamitin 8a pagsasatitik ng mga alaalang ito— kung isasatitik ba ayon sa tradisyon ng pagsulat ng mga istoryador o kung isasatitik ba sa paraan ng mga malikhaing inanunulat (tatalikuran na ang higit na obhetibo at siyentipikong paglalahad na umaayon sa mga tunturan ng pagsulat ng kasaysayan), ang pinili ay ang makalaya sa kumukulong na maraming tuntunin ng tradisyon—tinalikdan na ang kinalulungang paraan ng mga manunulat-kasaysayan. Pagdanas pa rin ng paglaya sapagkat sa paghaharap ng proposal para sa pagsasatitik ng mga alaala ng digma, hindi naging malaking sagabal ang pagtutol ng ilan sa naiibang paraang inisip knugnay ng gagawing pananaliksik naging sagabal ang ilan sapagkat higit na marami ang nagpasyang maibigay ang kalayaan upang ang diwa ngbawat gunita ay maisulat sa isang paraang hindi lunun magtatakwil sa mga nakahanav na patnubay ng isang masistemang pananaliksik. Narito ang kaganapan: ang pagbubuklod tig pagkalap ng mga matervales. ayon sa sistema ng pananaliksik, at ng pagtatala sa mga ito ayon sa sistema ng malikhaing pagsusulat. Narito ang isinagawang pagkalap ng mga datos, ng mga naganap, at ng mga katotohanan; narito ang tsinagawa ng mananaliksik na paghaharap ng mga nakalap na datos sa para-paraang magpapadama, magpapalanghap, magpapalasap, magpaparinig, at magpapakita, sa mga mambabasa.