HomeMALAYvol. 16 no. 1 (2001)

DIYALEKTIKA AT MATERYALISMONG PANGKASAYSAYAN SA DISKURSO NI JOSE RIZAL

E. San Juan Jr.

 

Abstract:

PALASAK nang ituring sa kasalukuyan na ang paksang inihudyat ng pamagat ko sa lekturang ito'y gamit na gamit na, ibig sabihi'y nakasusuya kundi man nakaaantok. Ako man ay sawa na sa mga panayam at talumpating nag-uumapaw sa cliche na pumupuri sa kabayanihan ng "First Filipino" (bansag ni Leon Ma. Guerrero),' mga gasgas na halimbawa at de-kahong pagtataguyod ng kumbensyunal na sukat ng kahalagahan ayon sa pamantayan ng dominanteng uri sa lipunan. Lihis sa nakaugaliang pagtatanghal sa ktdto ni Rizal, sa panimula'y nais kong isusog ang ilang panukalang makasisilbing mapanghamong pambungad sa ilang repileksiyon ko tungkol sa tatIong sanaysay ni Rizal: "Liham sa Mga Kakabaihan sa Malolos" (1889), "Sabre Is Indolencia de Los Filipinos" (1890), at "Filipinas, dentro de Cien Anos" (1890).