HomeMALAYvol. 16 no. 2 (2002)

ANG YAMANG-TAO NG MGA INDUSTRIYA SA PAMPANGA*

Tereso S. Tullao Jr.

 

Abstract:

Ang kontribusyon ng lalawigan ng Pampanga sa pagpapalawak ng ating lipunan sa larangan ng yamang-tao ay mahirap mapantayan sa bigat at lawak. Ang maliit na lalawigan na nagtala ng 1.48 milyong katao noong 2000 at sumasakop lamang sa 2,120 kilomecro kwadrado na pinaliligiran ng mga probinsyang Tagalog at Ilokano ay nakapag-ambag ng mga pinuno ng bayan at mga natatanging personalidad sa lipunan. Kasama rito ang dalawang pangulo ng bansa, ang kauna unahang Pilipinong kardenal ng simbahang Katolika, di mabilang na mahistrado kasama ang isang natatanging martir, makukulay na mambabatas, mga embabador ng bansa, pinuno ng ibang ahensyang sibil at mititar sa pamahalaan, lider ng mga makabayang kilusan, matatapang na mamamahayag at mahuhusay na manunulat.