HomeMALAYvol. 16 no. 2 (2002)

ANG KRITIKA SA PANAHON NG KRISIS

E. San Juan Jr.

 

Abstract:

Sa gitna ng permanenteng krisis sa sambayanan, ng laganap na karukhaan at paghihikahos ng nakararami; sa harap ng matinding kahirapan ng mga manggagawa't magbubukid, ng mga biktima ng militarismo at low intensity warfire ng mga may-kapangyarihan, at sa patuloy na pagsasamatala't panunupil ng mga dayuhan, maitatanong natin: Hindi ba isang may kalabisang luho ang papuri nating ginagawa para sa ilang libro? Ano ang silbi ng sining sa harap na nakaririmarim na kalagayan ng madlang hindi siguro makababasa ng kahit isang librong maitatanghal dito? Ano ang katuturan ng proseso ng pagikilatis, panunuri, at pagpapakalagang nakapaloob sa pagkakataong ito?