HomeMALAYvol. 16 no. 2 (2002)

TATLONG TULA

E. San Juan Jr.

 

Abstract:

Napanaginipan kong nahulog ka mula sa tore ng World Trade Center at pinulot ang nadurog mong katawan sa mga talahib ng Kabul... Lintik, sino ang mananagoc nito? Sindak na nagkubli—Dahas O anong rahas6g imperyalismong Amerikano— Hindi na ‘ko umakyat sa pusod ng Statue of Liberty, inakusahang terorista raw ang puso sa pagnanais terorista ang utak sa paghahangad terorista ang labi mong nag-uudyok— Ay, naku, kay lupit ng bomba’t misil, grasya ng Wall Street at Pentagon (Tanong ng madla:”Osama, Omar, saang pusod o singit ngTora Bora kayo nagtatago? Nasaan ang masang naghihimagsik?") Mula Mazar-i-Sharif hanggang Kunduz mula Kabul hanggang Kandahar tutnatalab Tumingala ka, masdan ino: wala nang dalawang sungay na nag-usli sa Manhattan... Hawiin ang taiahib, maging taliba ng dahas ng rcbolusyon— pumaimbulog mula Kabul hanggang Kandahar... Bagamat yapos ng takot at sindak, hihintayin kita, mahal ko, ilalantad mo ang iyong kacawang nagnanais nagmirmthi, naghahangad— talibang tumatalab, taliba ng pagtutol, mula sa pusod ng Kabul hanggang Kandahar...