HomeMALAYvol. 30 no. 1 (2017)

Limang Case Study Tungkol sa mga Barako ng Batangas: Pagdalumat sa Isang Mas Makatotohanang Imahen ng Barako

Aristotle P. Balba | Feorillo Petronilo Demeterio Iii

 

Abstract:

Nilalayon ng papel na ito na maglahad ng isang mas makatotohanang imahen ng barako bilang isang kultural na imaheng nakakabit na sa identidad ng mga Batangueño. Sa pamamagitan ng pagsagawa ng limang case study sa ilang bantog na barako sa lalawigan ng Batangas ipakikita ng papel na mas malalim at makulay pa ang tunay na imahen ng barako kaysa imahen nitong kumakalat sa kulturang popular sa labas ng nasabing lalawigan.