HomeSaliksik E-Journaltomo 6 bilang 2 (2017)

Marina Dizon: Mutya ng Katipunan

Atoy M. Navarro | Patricza Andrhea Torio Braganza

 

Abstrak:

Papaksain sa artikulong ito ang buhay at kontribusyon sa bayan ng bayaning si Marina Dizon, tinaguriang “Mutya ng Katipunan.”  Ngunit taliwas sa karaniwan at kontemporanyong pakahulugan sa “mutya” na iniuugnay lamang sa “pinakatatangi o tampok na kagandahan” at sa pagiging “musa,” pahahalagahan sa pananalambuhay na ito hindi lamang ang kagandahang panlabas o kagandahang pisikal ni Marina kundi ang kanyang kalakasan at katatagang panloob na ipinamalas niya sa kanyang mga ginampanang papel sa Kataastaasan, Kagalanggalang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK o Katipunan).  Sa ganang ito, masasabing kinatawan ni Marina ang sinaunang pakahulugan sa “mutya” bilang maganda at matatag na anting-anting, hiyas, mahalagang bato o perlas.  Tatalakayin sa sanaysay na ito ang buhay at kontribusyon sa bayan ni Marina sa pamamagitan ng tatlong bahagi: Kabataan Bago ang Katipunan (1875-1893), Ginampanang Papel sa Katipunan (1893-1899), at Ginampanang Papel sa Paggunita sa Katipunan (1899-1950).