Joshua Mariz B. Felicilda | Feorillo Petronilo Demeterio Iii
Sa dami ng taon bÃlang isang manunulat na maraming parangal, nananatiling aktibo sa larangan ng panitikan ang awtor na si Francisco Sionil Jose, 93, sa pagpapatuloy sa paggabay sa mga batang manunulat, sa politikal na larangan, at sa panitikan. Kilalá sa kaniyang mga politikal na mga sanaysay at nobela, pinanghahawakan pa din niya ang Politika, na patuloy niyang inuugnay sa panitikan. Binibigyan ng papel na panayam na ito, ang perspektiba ng matandang manunulat, mula sa kaniyang mga karanasan sa Panahon ng Hapon, sa Batas Militar, hanggang sa kasalukuyan. Tinatalakay din nito ang kaniyang mga pananaw sa Administrasyong Duterte, ukol sa mga Amerikanong Base Militar sa Pilipinas, at sa pagiging isang nasyon ng ating bansa. Mahalaga sa panayam na ito ang kaniyang mga pananaw tungkol sa Rebolusyon, kung saan may pinanghahawakan siyang Marxistang pananaw; tinatalakay din ang pagbabago ng opinyon niya tungkol sa Komunismo, Kapitalismo, at pagiging isang bansa. Sa pangkalahatan, minamapa nito ang mga esensiyal sa kaniyang politikal na pananaw sa kasalukuyan, isinulat at ibinuod sa isang papel.