Sa nobelang Pinaglahuan, matagumpay na inilarawan ni Faustino Aguilar ang masalimuot na sitwasyon ng Pilipinas noong transisyon mula sa pagkagapi ng Republika at pagsuko ni Macario Sakay. Lumitaw ang lakas ng uring komprador na nakipagsabwatan sa patriyarkong awtoridad upang masikil ang hámon ng uring manggagawang unti-unting nagbubuklod. Ang sapin-saping tema ng kolonyalismo versus makabayang damdamin, indibidwalismo laban sa kolektibong damayan, kalikasan laban sa komersiyo, at barbarikong paghahari ng mistipikasyon ng komoditi at salapi ang susuriin, kaakibat sa paghimay sa estruktura at tekstura ng naratibo. Isang makahulugan at makatuturang likhang-sining ang diyalektikong banghay