HomeSaliksik E-Journaltomo 7 bilang 2 (2018)

Midyang Pangmadla at Sambayanang Pilipino sa Harap ng Diktadura at Demokrasya

Michael Charleston B. Chua

Susing salita: History, Humanities, Social Sciences, Mass Media Studies

 

Abstrak:

Para sa pambungad na ito, ipopook ang pangkasaysayang pag-aaral ng Batas Militar at Kapangyarihang Bayan sa Kapanahong Kasaysayan. Gayundin, magbabalik-tanaw sa mahahalagang aklat, disertasyon, tesis, at dokumentaryo sa wikang Filipino na nagtampok sa Batas Militar at Kapangyarihang Bayan. At sa huling bahagi, ibubuod ang nilalaman ng isyung ito ng SALIKSIK E-Journal ukol sa midyang pangmadla at mga nasa laylayan ng sambayanang Pilipino noong panahon ng Batas Militar at Kapangyarihang Bayan bilang pagpapayaman ng talastasan ukol sa diktadura at demokrasya sa wikang Filipino.