HomeSaliksik E-Journaltomo 7 bilang 2 (2018)

Si Ferdinand Marcos, ang “Ekstraordinaryo”: Biograpikal na Paglikha sa Isang Diktador

Roderick C. Javar

Susing salita: History, Humanities, Social Sciences, Biographical Studies

 

Abstrak:

Mabisang instrumentong pulitikal ang pananalambuhay. Bukod sa bisa nitong tugunan ang mga postkolonyal na adhikaing pambansa, tumutugon ang mga manipulatibong hakbang sa paglikha ng mga kahanga-hangang buhay ng mga héroe, lalo’t higit sa mga personal na interes—partikular sa mga motibong pulitikal—ng malalaki at makapangyarihang indibidwal sa kasaysayan. Sa maraming pagkakataon, ang mga retokadong talambuhay na nagtanghal sa mga kahanga-hanga at tila walang kapintasang buhay ng ilan sa mga lider ng bansa ay tumayong mahahalagang instrumentong pulitikal—hindi lamang upang matamo ang kapangyarihan, kundi para sa lehitimisasyon ng kanilang panunungkulan at kalauna’y pagpapalawig ng kanilang mga sarili sa poder. Sa kaso ni Ferdinand Marcos, kinasangkapan nito ang rebisyunismong biograpikal sa paglikha ng imaheng pulitikal na naghatid sa kanya sa palasyo ng Malacañang. Gamit ang makinarya ng gobyerno, iniakyat ni Marcos sa mataas na antas ang pagkasangkapan sa pananalambuhay para sa kanyang mga pithayang pampulitika mula 1965 hanggang maging pagkaraang maideklara nito ang Batas Militar noong 1972.