HomeSaliksik E-Journaltomo 7 bilang 2 (2018)

Buhay at mga Pelikula ni Ishmael Bernal sa Harap ng Batas Militar

Carl Adrienne C Santos

Susing salita: History, Humanities, Film, Social Sciences, Mass Media Studies, Biographical Studies

 

Abstrak:

Isang Pambansang Alagad ng Sining sa Pelikula si Ishmael Bernal (1938-1996). Hindi maikakailang nakatulong sa paghubog sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino ang kanyang buhay at mga obra. Isa siya sa mga direktor na nabuhay noong panahon ng Batas Militar na ginamit ang mga pelikula upang batikusin ang diktaduryang Ferdinand Marcos. Papaksain sa unang bahagi ng artikulong ito ang kabataan, edukasyon, at karanasan ni Bernal na humubog sa kanya bilang indibidwal at gayundin, humubog sa kanyang mga obra. Tampok naman sa ikalawang bahagi ang pangkalahatang kalagayan ng pelikulang Pilipino sa harap ng Batas Militar. Tatalakayin naman sa ikatlong bahagi ang lima sa kanyang mga natatanging pelikula bago ang, habang panahon ng, at matapos ang Batas Militar: Pagdating sa Dulo (1971), Nunal sa Tubig (1976), Manila by Night (1980), Himala (1982), at Hinugot sa Langit (1985). Sa huling bahagi, babalik-tanawin ang talambuhay ni Bernal sa harap ng Kapangyarihang Bayan noong 1986. Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ang isadiwa si Bernal bilang isang subersibong direktor sa harap ng Batas Militar. Dagdag pa rito, layunin nitong pahalagahan ang paggamit ni Bernal sa kanyang mga pelikula bilang espasyo at lente para sa kritikal na panunuring panlipunan.