HomeSaliksik E-Journaltomo 7 bilang 2 (2018)

Kasaysayan, Kabataan, at Propaganda sa Kuko ng Diktadura: Pagmumuni sa Proyektong Tadhana (1973-1986) at Turo-turo Natin: Kartilya ng Bagong Pilipino (1977)

Emmanuel Jayson V. Bolata

Susing salita: History, Humanities, Social Sciences, Mass Media Studies

 

Abstrak:

Pagtutuunan ng pag-aaral na ito ang ugnayan ng Proyektong Tadhana: The History of the Filipino People (1973-1986) at 43-pahinang Turo-turo Natin: Kartilya ng Bagong Pilipino (1977) ng Kabataang Barangay. Gamit ang iba’t ibang tekstwal na panunuri, tatalakayin ang interkoneksyon ng mga intelektwal na produksyon at iskolarsyip, paksa at pananaw-historiograpikal, palatuntunan (iskolar at kabataan), at propaganda ng mga ideolohikal at pulitikal na panig sa kuko ng diktadura.