HomeSaliksik E-Journaltomo 7 bilang 2 (2018)

Sa Gilid ng Himala: Mga Moro sa Kapangyarihang Bayan 1986

Ayshia F. Kunting

Susing salita: History, Humanities, Social Sciences, Islamic Studies

 

Abstrak:

Sa mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas, hindi maiiwasan ng isang Moro—isang Muslim sa Pilipinas—na hanapin ang kanyang sarili sa naratibo ng mga pangyayaring ito. Nakabatay ang lapit o layo ng isang tao sa mga bahaging ito ng kasaysayan kung siya ba’y naisama o nakaligtaan sa mga salaysay. Isang pibotal na yugto sa kasaysayan ng Pilipinas ang Epifaño delos Santos Avenue (EDSA) Revolution o People Power o Kapangyarihang Bayan noong 1986. Kung babalik-tanawin, huling bahagi pa lamang ng dekada 1960, nilabanan na ng mga grupong Moro ang noo’y hindi pa diktadurang Ferdinand Marcos—kung pupuntuhin pa nga, kabilang ang mga Moro sa ginawang dahilan ni Marcos upang ideklara ang Batas Militar noong 1972. Makaraan ang halos dalawampung taon, natapos ang diktadura sa pamamagitan ng mapayapang rebolusyon. Ngunit sa naratibong ito, nasaan ang mga Moro? Sinikap sa papel na itong masilip ang paglahok ng ilang Moro sa People Power sa pamamagitan ng pagpanayam sa kanila. Gayundin, binalikan ang ilang pahayagan na tumukoy sa papel ng mga Moro hindi lamang sa panahon ng Kapangyarihang Bayan kundi sa mas malawak na kilusan bago pa man ang makasaysayang pangyayaring ito.