HomeBisigvol. 1 no. 1 (2014)

Tundo: Lundayan ng Matatalinong Manggagawa

Raul Roland Sebastian

Discipline: Social Sciences

 

Abstract:

Nababanggit sa tuwina ang lugar ng Tundo sa bawat salaysay sa buhay at pakikibaka ni Gat Andres Bonifacio. Hindi rin maiwawaglit ang Tundo kapag pinag-uusapan ang Katipunan o maging ang mga sumunod pang mga organisasyong mapanghimagsik gaya ng Partido Komunista ng Pilipinas noong 1930. Sa artikulong ito, iniuugnay ng may-akda ang habitus o kontekstong panlunan sa mga mahahalagang kaganapan sa kasaysayan at sa partikular ang paghihimagsik na pinasimulan nina A. Bonifacio at iba pang taga-Tundo. Tinutukoy nito ang kalagayan na ang kalakhan ng nananahan sa Tundo ay mga manggagawa, mangingisda at iba pang anakpawis na ayon sa may akda ay maaring magpaliwanag sa radikal at mapanghimagsik na tradisyon ng Tundo.



References:

  1. Arsciwals, Juan. Isa Pang Bayani. Manila. P. Sayo Vda. de Soriano. 1915.
  2. Corpuz, O.D. The Roots of the Filipino Nation. Quezon City. Aklahi Foundation Inc. 1989
  3. Foreman, John. The Philippine Islands: A Political, Geographical, Ethnographical, Social and Commercial History of the Philippine Archipelago Embracing the Whole Period of Spanish Rule.
  4. London. T. Fisher Unwin 1, Adelphi Terrace. 1905
  5. Ileto, Reynaldo C. Pasyon and Revolution: Popular Movements in the Philippines, 1840-1910. Quezon City. Ateneo de Manila University Press. 2011.
  6. Navarro, Atoy, Vicente Villan, Mary Jane Rodriguez. Pantayong Pananaw: Ugat at Kabuluhan. Quezon.Palimbagan ng Lahi. 2000.
  7. Richardson, Jim. Komunista: The Genesis of the Philippine Communist Party. Manila. Ateneo de Manila University Press. 2011.
  8. San Juan, Epifanio. Only by Struggle. Quezon City: Giraffe Books. 2002.
  9. Sebastian Raul Roland.Ang Tundo sa Kontemporaryong Panahon: Isang Antropolohikal na Pagtingin sa Imahe ng Tundo Ayon sa mga Taga-rito. Nasa:Mabini Review.Manila. PUP. 2008.
  10. Tiongson, Jaime Figueroa. Ang Saysay ng Inskripsyon sa Binatbat na Tanso ng Laguna. Laguna. Bagong Kasaysayan Inc., and Pila Historical Society Foundation Inc. 2010