Emalyn B. Puyoc | Gian Karla R. Buslig | Jemalyn Grace T. Mendoza
Discipline: Education
Layunin ng pag-aaral na mailahad at matukoy ang kahalagahan ng sikolohiya, implikasyon, at mga danas at lakbayin ng “Sunod” sa pangkat ng Biga at mga karatig tribo nito sa Tabuk City, Kalinga. Ang nasabing pananaliksik ay sumailalim sa Kuwalitatibo at Deskriptibong pag-aaral na nilapatan ng Sikolohiyang pagdulog, Sosyolohiya, at Etnograpiya, tinalakay ang mga kulturang kinagisnan ng isang pangkat. Mga piling “Pangat” o pinuno at matatanda sa pangkat Biga ang mga kalahok sa pananaliksik na nagbigay ng kani-kanilang mga karunungan, karanasan at lakbayin sa pagdalumat ng “Sunod” sa buhay. Ang resulta ng pag-aaral sa mga Ibiga at mga karatig tribo ay may maayos na ugnayan at mapayapang pamumuhay. Malakas ang tungkulin ng pamilya sa pagbibigay ng disiplina at pagtutulungan sa bawat miyebro. Lumitaw rin na hindi kailangang magkadugo ang maituturing na “sunod” kundi lahat ng katribo at mga karatig tribo. Dahil dito ay naiiwasan ang mga di-kanais- nais na kaganapan o mga kaguluhan sa pagitan ng bawat isa. Matatag na kanilang sinusunod ang kahalagahan ng relasyong “sunod” sa bawat araw ng kanilang pakikibaka sa buhay. Napatunayan din na malakas ang kapangyarihan ng mg “Pangat” o “Tribal elders” at ibang matatanda sa pagpapanatili ng kaayusan.