HomeWorld Education Connect Multidisciplinary E-Publicationvol. 4 no. 2 (2024)

RubriTasaKa: Alternatibong Instrumento Sa Pagtatasa Ng Gawaing Pagganap Sa Bagong Kadawyan

Lovelyn O. Barotas

Discipline: Education

 

Abstract:

Layunin ng aksyong pananaliksik na ito na matukoy ang epekto ng RubriTasaKa sa gawaing pagganap ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang ng Banisilan National High School, Poblacion I, Banisilan, Cotabato ngayong bagong normal. Binigyang pokus ng naturang pananaliksik ang paglalarawan sa mean iskor at kabuluhang kaibahan ng mean iskor ng pre-implementation at post-implementation sa gawaing pagganap, sa epekto ng RubriTasaKa sa perpormans, at persepsiyon ng mga kalahok sa paggamit ng RubriTasaKa sa gawaing pagganap. Ang pananaliksik ay napabilang sa Mixed Method— Explanatory Sequential Research Design. Sa pagpili ng 16 na mga kalahok ay gumamit ang mananaliksik ng purposive sampling. Ginamit naman ng mananaliksik ang mga estatistikang Mean Standard Deviation gamit ang Likert Scaling, T-test for dependent sample, Eta-squared analysis, at thematic-analysis. Bilang paglalahat lumabas sa pananaliksik na ang mean iskor ng post-implementation sa apat na mga gawaing pagganap ay bukod-tangi kaysa sa isinagawang pre-implementation na lubhang-kasiya-siya lamang. May kabuluhang kaibahan din sa pagitan ng mean iskor ng pre-implementation at post-implementation. Ipinakita namang may malaking epekto ang inobasyong RubriTasaKa sa perpormans ng mga kalahok sa paggamit nito sa gawaing pagganap. Nagkaroon din ng positibong persepyon ang mga kalahok sa inobasyong RubriTasaKa sa kanilang perpormans.



References:

  1. Andrade, H. G. (2001). The effects of instructional rubrics on learning to write. Current issues in education, 4.
  2. Chowdhury, F. (2019). Application of rubrics in the classroom: A vital tool for improvement in assessment, feedback and learning. International Education Studies, 12(1), 61-68.
  3. Jonsson, A., & Svingby, G. (2007). The use of scoring rubrics: Reliability, validity and educational consequences. Educational research review, 2(2), 130-144.
  4. Francis, J. E. (2018). Linking rubrics and academic performance: An engagement theory perspective. Journal of University Teaching & Learning Practice, 15(1), 3.
  5. Panadero, E., & Jonsson, A. (2013). The use of scoring rubrics for formative assessment purposes revisited: A review. Educational research review, 9, 129-144.