HomeWorld Education Connect Multidisciplinary E-Publicationvol. 4 no. 4 (2024)

Tikum Kadlum Ng Mga Panay-Bukidnon: Sosyo-Kultural Na Pagsusuri Batayan Sa Kontekstwalisadong Banghay- Aralin

Maria Mae F. Castre

Discipline: Education

 

Abstract:

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa Tikum Kadlum ng mga Panay-Bukidnon sosyokultural na pagsusuri batayan sa kontekstwalisadong banghay-aralin. Ang pananaliksik na ito ay isang kwalitatibong-deskriptibong pag-aaral na ginamitan ng palarawang pagsusuri. Layunin ng pag-aaral na ito na masuri ang kabanata 1 ng Suguidanon na pinamagatang “Tikum Kadlum” gamit ang dulog sosyo-kultural. Batay pa sa pagsusuri ang epiko ay nagtataglay rin ng mga elementong tema, simbolismo at halagahan. Nakapaloob sa kontekstong tema, ang mga taludtod ng epiko na nagtataglay ng mga sumusunod: pangangaso, mapamahiin, panaad, libangan, materyal na kultura, at pagtangkilik sa halamang gamot. Sa kabilang banda naman, ang simbolismong natuklasang nakapaloob sa epiko ay ang mga: laswa, binukot, duyan, badlit sa palad, at kawayan. Samantala, ang kahalagahang nakapaloob sa epiko ay ang mga: pagtutulungan, pag-iingat at paghanda, nasa huli ang pagsisi, matutong sumunod sa mga tagubilin, pagpapahalaga sa piangmulan at pamana. Ang nabuong kontekstwalisadaong banghay-aralin, ay isang disenyong-aralin na maaaring maging gabay sa mga guro kung paanong ang lokal epiko ay maging bahagi ng aralin sa pagpapayabong ng panitikan.



References:

  1. Commission on Higher Education (CHED). (2013). Ched Memorandum Order No. 20, Series of 2013: General education curriculum—Holistic understandings, intellectual and civic competencies. Retrieved from https://ched.gov.ph/wp-content/uploads/2017/10/CMO-No.20-s2013.pdf
  2. Claro, M. L. (2013). Loa ng mga Ilonggo: Pagtitipon at pagsusuring sosyo-kultural [Published thesis]. Pamantasang Estado sa Kanlurang Bisayas, Luna St., La Paz, Iloilo City.
  3. Dagatan, D. (2016). Sosyo-kultural na pagsusuri ng mga luwang Hiligaynon: Mungkahing pagpapayaman ng silabus sa pagtuturo ng panitikang rehiyunal [Doctoral dissertation, Pamantasan ng Bohol].
  4. Nacionales, M. (2008). Paglinang at pagtataya ng modyul sa pagbasa [Unpublished master’s thesis]. Pamantasang Estado ng Kanlurang Bisayas, Lungsod ng Iloilo.
  5. Nepomuceno, M. L. (2011). Isang pagsusuri sa historical/sosyolohikal na pananaw. Bulacan State University.
  6. Olapane, M., et al. (2021). Cultural preservation of Panay Bukidnon-Halawodnons amidst emergent society. Journal of Humanities and Social Sciences Studies, 3(11), 41–56. https://doi.org/10.32996/jhsss.2021.3.11.4
  7. Rabuco, A. (2006). Hiligaynon mythological stories and folktales: Analysis and translation.
  8. Recabar, C. M. (2015). Pagsasalin at pagsusuri ng Siday sa Pamalaye (Tulang Pamanhikan ng Antique) [Published thesis]. Unibersidad ng Iloilo, Rizal St., Iloilo City.
  9. Sebastian, et al. (2005). Retorika. Quezon City: Bede’s Publishing House.
  10. Villaluz, A. (2020). Pagbuo at balidasyon ng modyul sa Filipino ng ikawalong baitang sa Cabuyao Integrated National High School. Retrieved February 28, 2021, from https://pdfcoffee.com/pagbuo-at-balidasyon-ng-modyul-sa-filipino-8-pdf-free.html