Kabisaan Ng Dulog Sitwasyonal At Tradisyonal Bilang Interbensiyon Sa Paglinang Ng Mapanuring Pag-Iisip Ng Mga Mag-Aaral Sa Filipino 10
Camille Crisosto
Discipline: Education
Abstract:
Ang tesis na ito ay tungkol sa kabisaan ng dulog sitwasyonal at tradisyonal bilang
interbensiyon sa paglinang ng pamanuring pag-iisip ng mag-aaral sa Filipino ng baitang
10. Pamaraang quasi-experimental na gumamit ng pre-test at post-test ang desinyong
ginamit sa pag-aaral na ito. Ang mga kalahok ay ang apatnapu’t apat (44) na mga
mag-aaral mula sa baitang 10, seksiyon A at B ng Santa Clarita International School, Inc.,
taong panuruan 2022-2023. Ang mananaliksik ay gumamit ng pagsusulit sa pagtukoy ng
performans ng mag-aaral sa Filipino. Ang pagsusulit ay sumailalim sa eksaminasyon at
balidasyon ng mga eksperto at pinahusay sa pamamagitan ng aytem analysis. Ang
mga datos na natipon ay tinuos gamit ang sumusunod na istadistikang kagamitan:
katampatang tuos (Mean), Mann-Whitney U test, Frequency Count at Wilcoxon-Signed
Rank Test. Napatunayan sa pag-aaral na ito na ang paggamit ng dulog sitwasyonal at
tradisyonal ay kapwa epektibo sa paglinang ng mapanuring pag-iisip ng mga magaaral
sa Filipino. Nararapat lamang na gamitin ng mga guro ang dulog sitwasyonal at
tradisyonal sa paglinang ng mapanuring pag-iisip ng mga mag-aaral tungo sa
matagumpay na pagkatuto.
References:
- Azarias, H. (2018). Ang Panitikan ay Pagpapahayag ng Damdamin ng Tao. Retrieved from https://www.coursehero.com/file/58136982/PANITIKANdoc February27, 2020.
- Department of Education (2021). Pahayag ng Pakikiisa ng Kagawaran ng Edukasyon. Retrieved from https://www.deped.gov.ph/2020/05/01/pahayag-ng-pakikiisa-ng-kagawaran-ng edukasyon/ on January 5, 2020.
- Diksiyonaryo ng Wikang Filipino (2021). Komisyon ng Wikang Filipino.
- Domile, C. (2020). Estratehiyang Task-based at Lektyur: Epekto sa Performans ng mga Mag-aaral sa Filipino. Di-nailathalang Tesis, Pamantasan ng UI-PHINMA, Lungsod ng Iloilo.
- Doria, E.at Conui, F. (2020). Pagbuo ng Workbuk sa Kasanayan sa Kritikal na Pag-iisip ng mga Estudyante. CASS Langkit, 09.
- Flores, M. (2020). Kritikal at Inferensyal na Kakayahan sa Pagbasa ng mga Mag-aaral sa Larangan ng Filipino ng Visayas State University. Retrieved from https://www.researchgate.net/publication/342942820_Kritikal_at_inferensyal_na_kakayahan_sa_pagbasa_ng_mga_mag-aaral_sa_larangan_ng_Filipino_ng Visayas State University on July 2020.
- Novak (1998). Ang Tradisyonal na Pamamaraan sa Pagtuturo. Retrieved from http://aleihsmickshiey.blogspot.com/2011/09/tradisyunal-at-alternatibong-pagtuturo.html on September 21, 2011.
- Zolina, M. (2017). Kasanayan sa Pagsasalita at Pagsulat sa Paglinang ng Mapanuring Pag-iisip: Isang Pag-aaral ng Pagkakaugnay. Di-nailathalang Tesis,Pamantasang Estado sa Kanlurang Bisayas-Lungsod ng Iloilo.
Full Text:
Note: Kindly Login or Register to gain access to this article.
ISSN 2799-0842 (Online)
ISSN 2799-130X (Print)