HomeWorld Education Connect Multidisciplinary E-Publicationvol. 4 no. 9 (2024)

Kahalagahang Sosyal At Moral Sa Mga Piling Awiting Bayang Hiligaynon Ng Mga Mag-Aaral Ng Junior High School

Rogelio C. Flores, Jr.

Discipline: Education

 

Abstract:

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang kahalagahang sosyal at moral sa mga piling awiting bayang Hiligaynon. Ang mga kinakailangang datos ay tinipon sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga mag-aaral ng talatanungan sa kanilang personal na datos, kahalagahang sosyal at kahalagahang moral nito. Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay binubuo ng 68 mag-aaral ng Junior High School sa Capiz State University Burias Campus na nakapagtala sa taong panuruan 2020-2021 ngunit pumili lamang ang mananaliksik ng 58 sa pamamagitan ng Stratified Random Sampling. Ang mga datos at kinakailangang impormasyon na kinalap sa pananaliksik na ito ay dumaan ng frequency count, percentage, mean, at standard deviation. Ang mga natuklasan ay nagpapakita na sa kabuuan, ang Kahalagahang Sosyal sa mga Awiting Bayang Hiligaynon ay “Napakahalaga” kapag sila ay pinangkat ayon sa kasarian, tirahan, hanapbuhay ng mga magulang at edukasyong natamo ng mga magulang. Sa kabuuan, ang Kahalagahang Moral sa mga awiting bayang Hiligaynon ay “Napakataas” kapag sila ay pinangkat ayon sa kasarian, tirahan, hanapbuhay ng mga magulang at edukasyong natamo ng mga magulang. Samakatwid ang mga awiting bayang Hiligaynon ay maraming tinataglay na kabisaan kung saan makakatulong sa mga mag-aaral upang maging mabuting mag-aaral hindi lamang sa paaralan ngunit maging sa kanilang mga magulang, kumunidad at sa kapwa.



References:

  1. Aller, AV. Basid, J.G. Gaspar M.N Nobleza, RJ.P March 2016 Pagsusuri sa bisang taglay at kahalagahang pantao ng tatlong piling Filipino Independent Films
  2. Bognot, RM, et.al. (2013). Edukasyong pagpapakatao-Ikalawang baiting. Modyul para sa mag-aaaral.Vibal Publishing House, Inc.
  3. Arrogante J.A et.al., (2009). Pagbasa at pagsulat Pangkolehiyo. Rex. Printing Co., inc.
  4. Lalic, E. at Matic, A., (2004). An gating Panitikang Filipino. Trinitas Publishing. Inc.
  5. Montero, C. V. (2016). Implikayong Sosyo-Kultural na masasalamin sa mga Piling KwentinKwentong Bayan ng Iloilo, Filamer Christian University, Roxas City. Di nalathalnalathalang thesis.
  6. Timbreza, F.T., (2003). Filipino Values today. Manila national Book Store, Inc.
  7. Zaide, G.F at Zaide, SM. (2004) Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas. Ikaanim na Edisyon.Edisyon. Quezon City, all Nations Publishing Co., Inc.
  8. Pelingo, R.L, et. al. (2010) Ang lahing Pilipino, Dakila at Marangal (Workteks sa Sibika at Kultura 3) Manila, Philippines, Rex Book Store.