HomeUswag Journal: Philippine Journal of Multidisciplinary Researchvol. 3 no. 2 (2025)

Isang Penomenolohikal na Pag-aaral sa Pagpapatayo ng Bahay ng mga Catandunganon

April Grace Lazado-Maca

Discipline: Sociology

 

Abstract:

Ang mga umiiral na kaugalian, paniniwala at danas sa pagpapatayo ng bahay sa lalawigan ng Catanduanes ay mabusising inilarawan sa pamamagitan ng penomenolohikal na pamamaraan. Ang proseso ng pagpapatayo ng bahay ay hindi lamang teknikal na proyekto, kundi isang kolektibong pagsisikap na nagbubuklod sa pamilya at pamayanan. Ang koordinasyon, pagtutulungan, at maayos na pagpaplano ay susi sa tagumpay ng pagtatayo ng tahanan. Ang mga Catandunganon ay may malalim na paniniwala sa kahalagahan ng mga pamahiin sa pagpapatayo ng bahay sapagkat hindi lamang ito tungkol sa praktikal na aspeto ng konstruksyon, kundi pati na rin sa pag-aalaga ng positibong enerhiya sa loob ng tahanan. Ang mga simbolo ng kasaganaan, yaman, at kaligtasan ay laging isinasaalang-alang upang matiyak ang magaan at masaganang buhay para sa pamilya. Ang mga paniniwala ng mga Catandunganon ay nagpapakita ng isang malalim na koneksyon sa kultura at tradisyon. Ang mga ritwal at pamahiin na isinagawa ay nagbibigay ng pakiramdam ng seguridad at proteksyon para sa bagong tahanan at sa pamilya na naninirahan dito. Ang maayos na paghahanda at determinasyon ay naging susi upang malampasan ang mga hamon at maipagpatuloy ang pagtatayo ng bahay. Ang bawat pagsubok at tagumpay ay nagbibigay-daan sa pagbuo ng masayang tahanan at nagiging repleksyon ng samahan at pagbabayanihan.



References:

  1. Amante, J. T. (2021). Pagdalumat sa mga saliksik ng mga pampamahalaang unibersidad ng rehiyong Bikol: Batayan sa pagbuo ng adyenda ng pananaliksik sa Filipino. [Di Limbag na Tesis] Pampamahaaang Unibersidad ng Catanduanes, Kolehiyo ng Edukasyon.
  2. Amoncio, M.P., Francisco, C.G., Samulde, W.E., & Santos, M.S. (2019). Diskurso sa Filipino panimulang kurso sa Filipino sa kolehiyo. Mutya Publishing House Inc.
  3. Balunsay, J. R., Cantar, M. C. A., Tindugan, S. M., Sarmiento, R. F. A., & Abundo, R. S. (2018). Lingguwistikong etnograpiyang pag-aaral para sa wika at kulturang Bikol. [Di Limbag na Pananaliksik]. Catanduanes State University & Komisyon sa Wikang Filipino.
  4. Cantar, M. C. A., & Balunsay, J. R. (2023). Mga kaugalian at paniniwala sa mga kasalang-baranggay sa Catanduanes: Isang etnograpikong pagaaral. [Di Limbag na Pananaliksik]. Catanduanes State University.
  5. Creswell, J. W. (2013). Qualitative inquiry and research design: Choosing among five approaches (3rd ed.). Sage Publications.
  6. Hufana, N. L., Banawa, M. J. D., Gervacio, G. V., Pantorilla, C. R., Mercado, E. V., Pimentel, G. S., Ocangas, R. Z., Cubillan, A. V., Raran, R. D., Salas, E. A., Meracdejas, C. A. O., Hilot, R. M. & Sual, N. T. (2018). Wika at kultura sa mapayapang lipunan. Mutya Publishing House Inc.
  7. Philippine Constitution. (1987). Education, Science and Technology, Arts, Culture, and Sports (Article XIV), Sections 14–17. https://www.officialgazette.gov.ph/constitutions/1987-constitution/
  8. Zafe, J. G., Cariaso, M. S., Teves, D. T., & Fuentebella, R. M. (2024). Courtship practices in Catanduanes, Philippines. Uswag: Philippine Journal of Multidisciplinary Research, 2(1), 46–57.
  9. Zaide, G. F. & Zaide, S. M. (2009). Kasaysayan at pamahalaan ng Pilipinas (Ikaanim na Edisyon). All-Nations Publishing Co., Inc.