HomeIDEYA: Journal of Humanitiesvol. 3 no. 1 (2001)

Ang Alamat ng Wikang Mapanghimagsik

Efren R. Abueg

Discipline: Humanities, Philippine Literature

 

Abstract:

Siya ay isang texto. Siya ay may sariling buhay. Sa kanyang pagiging texto nakalimbag ang kanyang pagsilang, ang kanyang pagbabagong-anyo't paggulang, ang pagkahubog ng kanyang kaisipan at pagkontrol ng kanyang damdamin at ang pagpapatining ng kanyang kaluluwa, ang mga pagkadama ng mga unang sinyal ng kahinaan, ang pakikitunggali sa pagpapanatili ng lakas at ang mga bakas ng pait ng pagbabanta sa kanyang buhay. Sa kanyang pagkatexto rin nakalarawan ang pagtatagis ng kanyang kaisipan at damdamin na humahantong sa isang paghamon ang magpasiya, ang humakbang at kumilos at ipagtagumpay ang kanyang mga paninindigan. Sa pagkatexto rin niyang iyon nakaukit ang tamis ng mga unang abentura, ang pulot ng maraming tagumpay at ang anghang ng mga unang kabiguan. At higit sa lahar, kung isasaisantabi siya't ilalagay sa isang aklatan ng mga nilimot, susukatin, titimbangin siya ng kanyang sariling kasaysayan. At ilalagda sa kanya ang isang pangwakas na harol: siya ba'y dakila o isang walang silbing likha na sumulpot lamang at naparam nang walang kabuluhan? Isa nga siyang texto na katutunghayan ng buong kasaysayan ng kanyang paglalakbay sa mundong ito.