Discipline: Humanities, Philippine Literature
Ang tatalakayin sa papel na ito ay ang grupong El Shaddai na pinamumunuan ni Mariano Velarde o “Bro. Mike”. Nais kong ipakita na ang El Shaddai ay isang kulto sa loob ng simbahang Katoliko na sa ilang kadahilanan, kasama na ang pulitika, ay maaaring maging isang sekta o grupong rebelde mula sa establisadong simbahang Katoliko. Sa gagawing pagtalakay, ilalahad ng awtor ang simula at paglago ng grupong El Shaddai. Sisilipin din niya sa kultura at kasaysayan ng Filipino ang posibleng naging ugat at lihim ng di pangkaraniwang karisma ni Bro. Mike na parang gayumang umaakit sa marami nitong miyembro.