HomeThe Journal of Historyvol. 49 no. 1-4 (2003)

Matapos ang Kolonyalismo, Bago ang Diktadura: AngSistema ng Edukasyon sa Pilipinas, 1946-1972

Francis A. Gealogo

Discipline: History

 

Abstract:

Sa maraming mga pag-aaral pang-akademiko at opinyong popular, ang panahon matapos ang pormal na pananakop ng mga dayuhan noong 1946 hanggang sa taon ng pagde-deklara ng Batas Militar noong 1972 ang panahong kilala sa larangan ng demokratisasyon at malayang pag-unlad. Sa panahong ito, kalimitang tinitingnan ang lipunang Pilipino bilang isang lipunang malaya at nakakamit ang maunlad na kalagayan nang walang anumang balakid ng pangingibabaw ng dayuhan o ng lokal na naghaharing-uri.

 

Higit na mapatitibay ang ganitong persepsyon sa kalagayan ng lipunan at kabuhayan. Kung ihahambing sa ibang bahagi ng Asya. ang antas ng kaunlaran sa Pilipinas ay tinitingnang nakahihigit sa maraming larangan. Ang pag-unlad panlipunan at pangkabuhayan at ang mga manipestasyon nito sa pagsasakatuparan ng mga programa para sa serbisyong panlipunan ang kalimitang ipinapahayag bilang mga halimbawa at salamin ng ganitong kaunlaran. Subalit may pangangailangan na suriin sa kritikal na pamamaraan ang ganitong Iinya ng pagsusuri. Gaano ba katotoo na umiiral ang isang lipunang demokratiko, malaya, at nagbibigay ng pantay na oportunidad sa lahat? Paano ba nakaa-apekto ang pagsasakatuparan ng mga serbisyong panlipunan, partikular ang edukasyon, sa larangan ng pagkakamit ng demokratisasyon at pagkakapantay-pantay sa lipunan?

 

Layunin ng papel na ito na suriin ang mga kalagayang panlipunan sa panahong 1946-1972 at kritikal na tingnan ang sistema ng edukasyon bilang salamin ng pangkalahatang kalagayan. Sekundaryong layunin nito ang pagsusuri sa epekto ng sistemang pang-edukasyon sa kalagayan ng kasarian, ugnayang etniko, at ugnayang pang-uri upang maihayag kung may batayan nga ba ang pagsusuring nakamit ng bayan ang demokratisasyon at kalayaan sa panahong tinatalakay.


All Comments (1)