Discipline: Philippine History, Philippine Literature
Maging sa sarili nilang bayan ay hindi kinikilala sina Diego Moxica, Tomas Tirona, Carlos Ronquillo, at Lorenzo Paredes. Hindi sila ginugunita sa mga pambayang parangal at lalong hidni sila kabilang sa mga manunulat na pinag aaralan ng kasalukuyang henerasyon. Wala silang puwang sa Filipinolohiya at hindi nababanggit sa mga sanggunian.
Tungkulin ng papel na ito na isiwalat ang kanilang mga karanasan at pananaw sa panahong nagdadapithapon na ang rehimeng Kastila sa Pilipinas at nagbubukang liwayway naman ang umuusbong na imperyalismo ng mga Amerikano. Matutunghayan ito sa kanilang sentimyento at kaisipan sa mga akda nila na karamihan ay mga tula. Sa mga binhing kanilang ipinunla, mauugat ang etnikong tradisyon ng pagmamahal sa kalayaan at kasarinlan, pati na ang hangaring kolektibo ng mga indibidwal sa lipunan na abutin ang iba pa nilang mithiin sa kinabukasan.
Ito ay isang pagtatangkang makasulat ng iba pang teksto tungkol sa mga bayaning manunulat ng Cavite.