HomeDALUMAT E-Journaltomo 4 bilang 1-2 (2013)

Buhay-Indo: Suerte-Muerte ng mga gurong OFW

Diana F. Palmes

Susing salita: Philippine Studies

 

Abstrak:

Maginhawang buhay ang palagi nang ninanais ng bawat inibidiwal na kumikita para sa pamilya. Gayumpaman, bunga ng estado ng ekonomiya ng ating bansa, tila nagiging imposible ito sa mga mamamayang Filipino na gustong makapagbigay ng mabuting edukasyon at maginhawang pamumuhay sa kanilang pamilya. Kadalasang nagiging takbuhan ng marami nating kababayan ang pangingibang-bansa upang magtrabaho o ang pagiging Overseas Filipino Workers (OFW) para makaipon ng mas malaki at anila’y makapagbigay ng magandang kinabukasan sa kanilang mga mahal sa buhay. Ang penomenong OFW na halos nagiging kasingkahulugan ng mabuting kapalaran o suwerte dahil sa doble o tripleng kita mula sa ibang bansa ay inaasahang magtataguyod sa kapalaran ng indibidwal na nakipagsapalaran maging ng kaniyang buong pamilya o angkan. Sa panahon ng kapaskuhan, inaabangan ang pag-uwi ng mga OFW dala ang kani-kanilang balikbayan box at ang suwerteng ipamumudmod ng mga ito bilang aginaldo sa mga kapamilya at kamag-anak. Subalit hindi lang mabuting kapalaran ang pasalubong ng bawat OFW na nagbabalik-bayan. Bitbit din nila ang mga malulungkot na alaala at kamalasan mula sa bansang pinagtrabahuhan at ang mga yugto ng kanilang pangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay. Sa pamamagitan ng mga kuwento ng buhay ng piling kalahok, ilalahad sa papel na ito ang suerte-muerte o ang mga mabuti at masamang kapalaran na naranasan ng mga gurong OFW sa bansang Indonesia.