HomeDALUMAT E-Journaltomo 4 bilang 1-2 (2013)

Ang Pagbasa ng Juan for All, All for Juan ng Eat Bulaga at ang Mito ng ‘Bayanihan of D Pipol

Jeffrey Rosario Ancheta

Susing salita: Philippine Studies

 

Abstrak:

 Gamit ang semiotika ni Roland Barthes, sinuri sa papel na ito ang Juan for All, All for Juan na isang segment ng Eat Bulaga na ipinalalabas sa GMA7 tuwing tanghali, upang masipat ang pagbuo ng mito ng tinatawag nilang ‘bayanihan of d pipol.’ Sa pamamagitan ng paggamit ng awtor ng mga imahe, dayalogo, at musika mula sa palabas, inilahad ng awtor ang naging pagbasa niya sa nasabing segment. Inilahad din sa papel na ito ang konsepto ng semiotika upang higit na maunwaan ng mambabasa ang dahilan ng paggamit nito ng awtor.