HomeDALUMAT E-Journaltomo 4 bilang 1-2 (2013)

Karatulastasan: Mungkahing Gamit/Paraan sa Pagtuturo at Pagkatuto Upang Alamin at Suriin ang Kakayahang Umunawa

Voltaire Villanueva

Susing salita: Philippine Studies

 

Abstrak:

 Ang KARATULASTASAN ay isang malikhaing patunay o ebidensiya ng proseso ng pagtuturo at pagkatututo mula sa punto de bista ng mag-aaral at guro. Mula sa produktong ito ng pagkatuto, tatangkaing patunayan ang pagpapakahulugan/ pag-unawa ng mga mag-aaral sa isang tiyak na paksang pinag-aaralan na maaari pang gamitin sa iba’t ibang angkop na gawain. Taglay ng papel na ito ang pagdalumat sa mga kaugnay na prinsipyo na may kinalaman sa pagpapabisa ng guro sa pagtuturo at pagkakaroon ng epektibong pagkatuto ng mga mag-aaral na nakasalig sa prinsipyo ng pag-unawa.

Magiging isang alternatibong dulog, kagamitang pampagtuturo na pangganyak, panukat sa pagtataya, o paglalapat sa isang tiyak na aralin upang pag-ugnayin ang mga kasanayang lilinangin. Ang mga ilang halimbawang KARATULASTASAN ay makapagpapatunay na hindi lamang nagtatapos ang pagkatuto sa apat na sulok ng silid-aralan. Bagkus, ang pagkamalikhain ng guro gamit ang sining ng pagtuturo katuwang ang teknolohiya ang maglalapit sa ugnayan ng paaralan at lipunan na mapakikinabangan ng mag-aaral sa laboratoryo ng buhay bilang pamana ng kanyang ginawa sa paaralan.

Mamamalas sa papel na ito na tunay na ang tagumpay ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto ay nakasalig sa ugnayan ng sining at agham na paraan ng pagtuturo ng guro. Mula sa KARATULASTASAn ay pinagsanib ang sining ng lansangan at tanaga sa pag-unawa ng inaasahang hindi nagmamaliw na pag-unawa